ate mismis and kuya sky haha


Kung may ibang mundo
 
Magkasama pa rin kaya tayong
 
Nag-uusap sa ilalim ng maulap na gabi?
 
Minsan sumasayaw sa tunog ng boses mo
 
O kaya nagbabatuhan lang ng kwento
 
 
 
Kung may ibang pagkakataon
 
Hawak mo pa rin ba kaya ang kamay ko?
 
Habang lumilipas ang panahon,
 
habang inaabot mo ang pangarap na sabay nating dinalangin
 
Kahit hindi natin alam kung saan dalhin ng ihip ng hangin
 
 
 
Kung may ibang kwento
 
Sa tingin mo ba hindi tayo matatapos?
 
Patuloy ba tayong naglalakad ngayon nang tumatawa
 
Habang inuulit ang mga linya ng pinanood na pelikula
 
O kaya kumakain nang inembento mong timpla
 
Nang nakakamay at nakapatong ang isang paa
 
 
 
Kung alam ko lang na masakit sa dulo
 
Sinulit ko na sana ang mga araw
 
na ika'y kaibigan ko
 
Natuto nalang sana na makontento
 
Baka ngayoy nag uusap pa tayo
 
 
 
Kung may ibang tao na,
 
wag ka sanang mangamba
 
Nakakasulat na ako nang hindi umiiyak
 
Nakakatingin sa bituin na walang ibang iniisip kundi kung gaano ito kaganda
 
Ilang pelikula na rin ang napanood ko nang mag-isa
 
 
 
Ito’y hindi liham ng pagsisisi kundi pamamaalam
 
At alam kong ilang beses na akong nagsasabi pero ganun yata talaga
 
Paulit-ulit, pabalik-balik
 
hanggang maubos na ang lahat ng gusto kong sabihin
 
 
Hanggang sa ibang bagay na ang naaalala ko sa tuwing bababa ng eroplano
 
Hanggang sa ibang luto na ang aking paborito
 
Hanggang sa masanay nang walang sumusundo
 
Hanggang ibang pangalan naman ang laman ng aking kwento
 
 
 
Hanggang dito nalang muna ako
 
Wala ng pahabol sulat
 
 
 


Ngayo’y nag-iingat,
 N
 
 

____________

from my notes years ago, 

back when I tried writing in Tagalog